Lolo Jose
Lolo Jose
Isang araw sa harap ng isang restawran dumating ang
isang Ferrari na pulang-pula ang kulay at parang lahat ng tao sa paligid ay
napatingin sa magarang kotse habang ito ay naghahanap ng mapaparadahan. Ngunit
okupado na ang mga paradahan sa bangketa ng mga trak, mga tricycle, mga
motorsiklo, mga jeep at mga bisikleta kaya napilitan itong pumarada sa gilid ng
bangketa na bahagyang nakaharang sa lansangan.
Si Ariel Ignacio isang mayamang negosyante ang
nagmamaneho kasama ang kanyang asawa si Elena Ignacio ay bumaba sa kanilang
magarang kotse na kumikinang sa sikat ng araw. Sa loob ng restawran may
maririnig na masiglang musika; sa mga mesa kumakain ang mga tao, umiinom,
nag-uusap at naghahalakhakan.
Pero ng pumasok ang mag-asawa, natigil ang mga tao
sa loob ng restwran at kanilang pinagmasdan ang yaman at luho sa suot na damit,
mamahaling bag, relo kumikinang na alahas at sapatos ng mag-asawa, at ang
dalawa ay naupo sa isang mesang bahagyang nakahoiwalay sa karamihan. Tiningnan
nila ang menu ng pagkain at inumin, saka sila umorder, habang kumakain nag-usap
sila tungkol sa pinapatayo nilang bagong mansion ,mga mamahalin at mga
maluluhong ideya.
Samantala sa labas ng restawran, may isang lumang
kalesa na hinihila ng matandang kabayo sakay ang natutulog na kutsero, si Mang
Jose. Maraming taon ng namamasada si Mang Jose, 77 taong gulang at pati ang
kabayo nasanay na rin sa malaking syudad.Patuloy nitong hinihila ang kalesa
kahit natutulog ang kutsero at kusang humihinto kapag may pumarang pasahero o
kaya kapag pinatigil ng pulis trapiko ang mga sasakyan, titigil din ang
matandang kabayo.
Wala pang pasahero si Mang Jose mula noong lumarga
sila kaya natulog muna ito, habang hinihila ng kabayo ang kalesang namamasyal
sa lansangan hanggang sa makarating sila malapit sa harap ng restawran at
biglang nagising si Mang Jose malanghap niya ang masarap na simoy ng hangin
mula sa mga nilulutong masasarap na pagkain sa restawran dahil hindi pa siya
nag-almusal at nananghalian naglalaway siyang tumitingin sa mga kumakain sa
restawran nang biglang may tumakbong pusa, nagulat ang kabayo at umalma ito sa
pusa. Bumangga ang kalesa sa magarang Ferrari,tumama ang kaliwang poste nito sa
bubungan ng kotse at ang bakal sa bubungan ng kalesa ay tumama sa sa
bintana at nabasag ito. Ang matandang kabayo naman ay nadapa at hindi na
makatayo dahil narin sa gutom at pagod sa paghila ng kalesa buong araw.
Bumaba si Mang Jose sa kalesa at tinulungang tumayo
ang matandang kabayo at hinimas ang tuhod at ulo ng kabayo. Nagulat sa ingay ng
banggaan ang mga kumakain nag-iinuman at nagtatawanan sa restawran, Biglang
tumayo si Ariel Ignacio at galit na galit na sumujgod sa kalye, at mas lalo
pamg tumindi ang kanyang galit ng makita ang nasirang bubungan at pintura ng
kanyang kotse at nabasag na salamin.
"Hoy tanga , wala ka bang mata? tingnan mo,
winasak mo ang kotse ko, Bayaran mo ito!" Naluluha, nangangatog ang buong
katawan at nanginginig sa takot, si Mang Jose.
"Ipapupulis kita! Bayaran mong lahay ito ,halos
himatayin si Mang Jose nang marinig niya ito at nagkaboses ito, paiyak nitong
sinabi. "Ako po ang may kasalanan pero patayin niyo man ako wala akong
pambayad." Lalong nagalit si Ariel at tumawag ito ng pulis.
Maraming nag-uusyoso sa kalye, hanggang sa dumating
ang mga pulis. Samantala bumalik na ang mga tao sa restwran at itinuloy nila
ang kainan, inuman at tawanan. Sinalubong ni Ariel ang mga pulis nagpakilala
siyang may-ari ng kotse sabay turo sa kutsero at sinabing "binangga niya
ang kotse ko, dapat akong bayaran". Nagsalita si Mang Jose "Mahirap
lang ako, wala akong ibabayad". Nagsalita ang pulis trapiko.
"Inaamin niyo bang kasalanan ninyo?"
"Inaamin ko, pero wal talaga akong
pambayad." sabi ni Mang Jose.
"Bakit mo binanagga ang kotse kong nakaparad sa
gilid ng kalye?" galit na galit na sabi ni Ariel.
"Nakatingin po kasi ako sa restawran nang may
biglang dumaan na pusa at biglang nagulat at umalma ang aking kabayo kaya kami
bumangga."
"Ha anong pinagsasabi mo sinungaling ka sabi ni
Ariel na nanggigigil sa galit."
"Sa bahay ka na lang sana lolo bakit pa kasi
kayo namamasada , makakaaksidente pa kayo, Pano kung makasagasa kayo ng bata at
mapatay?"
Lalong nanginig si Mang Jose sinabi niyang mag-isa
nalang siya at ang kabayo nalang ang kanyang kasama sa buhay, at kung hindi
siya mamamasada wala silang kakainin.
Walang kibo si Ariel, at sumigawng "Basta
bayaran mongb lahat ang nawasak na ito!"
Parang naubos ang lahat ng lakas ng matanda,
nanginginig ang bawat himaymay ng kanyang katawan. nangingiatog ang kanyang mga
ngipin at patuloy ang kanyang pagluha."Mas gusto ko nalang makulong dahil
kait isang libong beses mo pa sabihin wala talaga akong pambayad." KinAno
ang gagawin mo sa ganitong kaso?" ulit niya na parang mawawalan ng bait.
Patuloy na nanginig si ,Mang Jose habang hinihintay
ang sagot ng pulis.
Nagsalita ang pulis, sabi niya "Una sa lahat
bakit po kayo pumarada dito Sir Ariel, bahagya pong nakaharang ang inyong kotse
dito sa kalsadakaya talagang hindi maiiwasang masagi ito ng sinuman o ng mga
dumadaang sasakyan at pangalawa wala talagang pambayad si Mang Jose, di po ba
kayo naawa sa kanya umamin naman po siya sa kanyang kasalanan,pero pag
ikukulong natin siya baka hindi pa siya aabot ng isang buwan sa loob."
magsasalita pa sana ang pulis ng biglang sumabat si Ariel.
Muli niyang minura si Mang Jose hanggang sa maisip
niya na imposible talaga siyang mabayaran ng matanda.
"Hayaan mo na nga." sabi ni Elena kay
Ariel ,at nagpasalamat ito sa pulis saka huminging tawand sa inasalng kanyang
asawa sa matanda. Parang nabunutan ng tinik sa katawan ang Mang Jose nang
marinig ang mga sinabi ni Elena.
Inakbayan ni Elena si Ariel pabalik sa restwran
."Ang buwisit na yon.' sigaw ni Ariel habang pabalik sila saa restwran.
Samantala, bago umalis ang pulis tinanong niya kong ano ang buong pangalan ng
matanda o kung may maitutulong ba ito sa matanda.
"Jose Ignacio, Sir.' sagot ng matanda.
Biglang natigil si Ariel ng marinig niya ang sinabi
ng matanda, bigla niyang naalala ang kanyang nawawalang lolo na Jose Ignacio
rin ang pangalan at bumalik ito para tanongin ang matanda. Ulitin mo nga kung
ano ang buong pangalan mo sabi ni Ariel.
"Jose Tolentino Ignacio." sagot ng
matanda.
Hindi parin makapaniwala si Ariel dahil ito talaga
ang pangalan nang kanyang lolo at nagtanong pa siya kung may mga anak ka ba
noon, pamilya, o asawa ba noon ang matanda.
"Ang asawa ko ay si Gina Ignacio at meron akong
isnag anak si Mario Ignacio." Nanginginig at biglang hindi makapagsalita
si Ariel ng mapatunayan niyang si Mang Jose ang kanyang nawawalang lolo.
Nagsalita si Ariel sabay iyak at yakap sa matanda habang humihingi ng tawad at
sinabi nitong siya ang apo ng matanda ang anak ni Mario Ignacio. At tiinanong
ni Ariel kung bakit napunta sa tarlac ang matanda.
Naluluhang sumagot ang matanda, dahil akala
nito iniwan na siya ng kanyang mag-ina at hindi na nito makikita ang dalawa.
Kumain muna sila bago bumiyahe papuntang Ilocos Sur ,umarkila sila ng trak para
kargahin ang kotse at kabayo.Habang nasa biyahe sinabi ni Ariel na buhay pa ang
si lolo Gina at ang kanyang ama ay isang kilalang inhinyero at siya naman ay
isang negosyante. Alas syete na ng gabi ng makarating sila sa
Tagudin,Ilocos,Sur. Nagulat ang mga tao sa Family House ng dumating ang isang
trak na lulan ang nasirang kotse ni Ariel at isang kabayo ,at tinanong nila
kong sino ang matandang kasama ni Ariel ,lumuluha si ariel habang sinasabi na
siya ang matagal ng nawawalang si lolo Jose,yumakap si lola Gina sa asawa pati
narin si Mario at nagkasamasama narin sila sa wakas.
Habang sila ay naghahapunan kinuwento ni lolo Jose
na 30 taon na ang nakakalipas sila ay nakatira sa Dagupan kasama si lola Gina
at Mario ng pumunta sila sa Capas,Tarlac para sa kasal ng kanyang kaibigan
,pero naaksidente ang bus na kanilang sinasakyan papuntang Tarlac at sila ay
nahulog sa bangin ,naanod daw siya sa ilog sabi ng mga nakakita at gumamot sa
kanya ,mga anim na buwan daw nagpagaling si lolo at pagkatapos bumalik siya sa
bahay ng kanyang kaibigan para tanungin ang kanyang mag-ina at bumalik na daw
sila sa probinsya sa pagaakalang patay na ito dahil hindi natagpuan ang kanyang
bangkay,kaya bumalik siya sa Dagupan pero wala ang Mag-ina at naghanap siya sa
mga kamag-anak ng mag ito pero di na niya sila matagpuan at inakalang iniwan na
ng maga ito kaya bumalik siya sa kanyang kaibigan sa Tarlac at nagsimula ng
bagong buhay ang pangangalesa.
Kinuwento naman ni Lola Gina nanoong hindi na
matagpuan ng mga rescue team ang bangkay niya inakala nilang patay na ito at
bumalik sa Dagupan at saka sila pumunta sa Maynila dahil may inaalok na trabaho
sa kanya ang kanyang kapatid, pagkatapos ng sampung taong pagtratrabaho sa
maynila pumunta sila sa Ilocos Sur sa lugar ng napangasawa ni Mario na isa ng
inhinyero sa panahong yon.
Sinabi ni Lolo Jose na ito na ang pinakamasayang
araw sa buong buhay niya at namuhay sila ng payapa habang buhay.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento