ANO ANG MGA NEGATIBONG EPEKTO NG K-12 CURICULUM
ANO ANG MGA NEGATIBONG EPEKTO NG
K-12 CURRICULUM
Ang K-12 (kinder to grade 12)
ay isang programang naglalayong palitan ang kurikulum ng elementarya at sekundaryang
edukasyon sa Pilipinas at dagdagan ito ng dalawang taon.
Ayon sa Department of Education
(DepEd), ang K-12 umano ang solusyon ng administrasyon sa lumalalang krisis sa
edukasyon. Gayunpaman, mariin itong tinututulan ng mga kabataan, mag-aaral,
guro, kawani, magulang at ng buong komunidad dahil sa kawalan ng programa ng
makabuluhang batayan at sapat na paghahanda at panustos ng gobyerno para rito.
Ang hilaw na pagpapatupad ng K-12 ay maaaring makapagpalala pa ng sitwasyon.
Narito ang ilan sa mga batayan ng DepEd
sa pagpapatupad ng K-12 at ang ating paglalantad sa kahungkagan ng programang
ito:
Ayon sa DepEd
ang
K-12 ang solusyon sa dumaraming bilang ng out-of-school youth.
Pero sa
katunayan ang pangunahing dahilan ng pagdami ng
out-of-school youth ay ang kakulangan ng pantustos sa pag-aaral. Batay sa
pag-aaral ng Alliance of Concerned Teachers (ACT), tinatayang gagastos ng
P12,090 ang bawat pamilya para tustutusan ang pag-aaral ng isang miyembro sa
bawat karagdagang taon sa K-12. Kabilang sa mga gastusin ang pamasahe, baon,
gamit sa eskwela at iba pa. Mabigat ang halagang ito na pinapalala pa ng
nagtataasang presyo ng mga bilihin at ang mababang pasahod sa mga manggagawa
lalo na’t tahasan nang tinalikuran ng Pang. Aquino ang panawagan sa P125
across-the-board nationwide dagdag-sahod.
Ayon sa DepEd
solusyon
daw ang K-12 sa bumababang marka ng mga mag-aaral sa elementarya at sekundarya.
Pero sa
katunayan hindi solusyon ang karagdagang taon sa
pag-aaral sa humihinang kalidad ng batayang edukasyon. Ayon mismo sa resulta ng
Trends in International Mathematics and Science Studies, maraming bansa na may
10 taong batayang edukasyon o mas maiksi, tulad ng South Korea at Singapore,
ang nakakuha ng pinakamatataas na marka. Ilang mga bansa naman na may
programang K-12, tulad ng Chile at Saudi Arabia, ay nakakuha ng mababang marka.
Pinapakita nito na sa halip na karagdagang taon sa batayang edukasyon, ang
tunay na makakapagpataas ng kalidad ng edukasyon sa bansa ay ang mataas na
budget para sa maayos na gamit, libro at iba pang pasilidad, at gayundin ang
mataas na pasahod sa mga guro at kawani.
Ayon sa DepEd
may
sapat na rekursong nakalaan para sa pagpapatupad ng K-12.
Pero sa
katunayan ayon sa pag-aaral ng ACT, ang mga
pampublikong paaralan sa bansa ay nakakaranas ng 182,483 kakulangan sa mga
guro, 97,685 kakulangan sa mga silid-aralan, at 153,709 kakulangan sa
palikuran. Naglaan lamang ang Department of Budget Management ng P259.25
B para sa 2013 gayong ang pangangailangan sa edukasyon ay tinatayang aabot sa
P338.20 B. Ang mismong United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization
(UNESCO) ang nag-aatas sa ating gobyerno na maglaan ng anim na porsyento ng
kita nito para sa edukasyon subalit hanggang ngayon ay nanatiling tatlong
porsyento lamang ang inilalaan ng administrasyong Aquino para sa batayang
edukasyon at sa kolehiyo. Muli, hindi solusyon ang K-12. Ang tunay na solusyon
ay ang pagpapahalaga ng gobyerno sa edukasyon at paglalaan ng pondo para rito.
Ayon sa DepEd
sa
pamamagitan ng K-12, hindi na kailangan ng mga kabataang magtapos
ng kolehiyo para magkaroon ng trabaho.
Pero sa
katunayan baluktot at elitista ang katwirang ito.
Pinapatunayan nito na ang karapatan ng mga kabataang makapag-aaral sa kolehiyo,
makapili ng propesyon at magkaroon ng oportunidad para matulungan ang kanilang
pamilya na umasenso sa buhay ay itinuturing na pribilehiyo lamang ng may
kakayahang makapagbayad ng matrikula sa kolehiyo. Kung wala ka nito,
sisiguruhin ng K-12 na makapag-aral na lamang ng bokasyunal at teknikal kahit
hindi ito ang iyong nais, para sa pagtatapos ng sekundarya ay maaari nang
maghanapbuhay. Dagdag pa, sa K-12, inaasahang magtatapos ang mga mag-aaral sa
edad na 18—legal na edad para makapag-trabaho. Maliban dito, hindi rin
nasosolusyunan ang kawalan ng trabaho ng mga kabataang nakapagtapos ng
kolehiyo. Ayon sa pag-aaral, humigit-kumulang na 461,000 Pilipinong
nagsipagtapos ng kolehiyo noong taong 2008 ang walang trabaho.
Ayon sa DepEd
ang
mga nagsisipagtapos sa programang K-12 ay maari nang ituring na
mga propesyunal at may mataas na pinag-aaralan sa ibayong-dagat.
Pero sa katunayan walang
kabuluhan ang argumentong ito. Malisyoso nitong itinutulak ang mga kabataan na
mangibang-bansa imbis na hikayatin ang mga ito na maglingkod sa sariling bayan.
Hindi masisisi ang mga kabataang piniling iwan ang kanilang mga pamilya upang
mabigyan sila ng mas maginhawang buhay na ipinagkakait sa kanila sa sariling
bayan. Subalit responsibilidad ng gobyerno na lumikha ng mga programang
pang-ekonomiya kung saan hindi na kakailanganin pa ng ating mga kabataan ang
lisanin ang bansa para maghanapbuhay. Ang K-12 ay panakip-butas at palusot
lamang ng gobyerno sa kawalan nito ng kakayahang lumikha ng balangkas para sa
pambansang industriyalisasyon kung saan ang ating bansa mismo ang makikinabang
sa ating lakas-paggawa imbis na mga dayuhang nagpapakasasa sa mababang pasahod
sa ating mga kababayang overseas Filipino workers. Resulta rin nito ang
papalalang brain drain kung saan
kinakapos na tayo sa mga propesyunal at mga skilled workers na
siya sanang magtataguyod ng ating bayan.
Ayon sa DepEd
lubos
na ang naging pag-aaral at paghahanda para ipatupad ang K-12 ngayong taon.
Pero sa
katunayan wala pang ligal na batayan ang
pagpapatupad ng K-12 ngayong taon. Kamakailan lamang sinimulang madaliin sa
Kongreso ang pag-aamyenda sa “Education Act of 1982” subalit ngayon ay
ipinapatupad na ang bagong programa.
Ang edukasyon ay isa sa mga armas natin
para mapaunlad ang bayan. Ang K-12 ay nakadisenyo upang pagsilbihan ang mga
dayuhang mamumuhunan na ang tanging interes ay magkamal ng tubo mula sa
kanilang natitipid sa ating murang lakas-paggawa. Walang makabuluhang pagbabago
ang makakamit sa pagdaragdag ng taon at pagpapalit ng nilalaman ng
kurikulum sa batayang edukasyon kung ang mga ito ay hindi nilalangkapan ng
makabayan, makamasa at siyentipikong adhikain.
Kaya naman
dapat magkaisa ang hanay ng mga kabataan, estudyante, guro, kawani,
administrador, at ang buong komunidad .
Ipagpatuloy
natin ang ating pakikipaglaban para sa libre at de-kalidad na
edukasyon—edukasyong naglilingkod sa kapwa Pilipino!
Allow us to use your information about sa negatibong epekto ng K-12 kurikulum for our Pananaliksik. Thank you
TumugonBurahinthis arent copyrighted man
TumugonBurahinSino po ang author nito?
TumugonBurahinSino po ang author nito?
TumugonBurahinSino raw po author nito?
BurahinSi Vincent Matro ata ang may-akda nito.
TumugonBurahinBet365 in Dubai and Dubai will open on - JTM Hub
TumugonBurahinThe new sports betting operator 원주 출장마사지 will also offer a range 속초 출장안마 of 광주 출장샵 betting 하남 출장마사지 options 수원 출장안마 including live betting on horse racing, greyhound racing, and more.